Ang Mushy Deli, na nakabase sa Candelaria, Quezon, ang personal information controller ng impormasyong ibinibigay mo sa website na ito.
Kapag bumili ka: ang email address mo, at ang access code na itinali namin dito. Iniitala rin namin ang bawat pag-sign in — ang oras, ang IP address, at ang klase ng device — para malaman namin kung may gumagamit ng code mo nang hindi ikaw.
Kapag humingi ka ng libreng PDF: ang pangalan at email mo.
Ang marka ng natapos mong aralin ay nakatago lamang sa browser mo at hindi ito umaabot sa amin.
Ang mismong bayad ay dumadaan sa PayMongo. Hindi dumadaan sa server namin ang detalye ng card o e-wallet mo, at hindi namin ito nakikita o naiimbak.
Ang mga aralin ay naka-embed mula sa YouTube gamit ang youtube-nocookie.com. Kapag nanood ka, ang patakaran ng YouTube ang sumasaklaw sa panonood na iyon.
Para lang sa tatlong bagay: bigyan ka ng access sa binili mo, ipadala sa iyo ang hiningi mong PDF, at protektahan ang kurso laban sa pagbabahagi ng code. Wala nang iba.
Hindi namin ipinagbibili, ipinauupa, o ibinibigay ang iyong impormasyon sa kahit sinong ibang kumpanya.
May karapatan kang malaman kung anong impormasyon ang hawak namin, itama ito, ipatanggal ito, bawiin ang pahintulot mo kahit kailan, at magreklamo sa National Privacy Commission. Sumagot lang sa alinmang email namin at buburahin namin ang record mo sa loob ng tatlumpung araw.
Isang cookie lamang ang ginagamit namin: ang nagpapanatiling naka-sign in ka. Walang tracking cookie at walang advertising pixel.