Bago tayo pumasok sa detalye, tingnan muna ang buong daan. Dalawang magkahiwalay na linya ang tatakbo nang sabay, at magtatagpo sila sa isang punto.
Ito ang substrate: ang kusot na hinaluan ng sustansya, pinabulok, isinilid sa plastik, at niluto. Ito ang magiging pagkain ng kabute. Matagal ito — may mga linggo ng paghihintay — pero hindi ito madelikado.
Ito ang spawn: ang sorghum na hinugasan, niluto, isinilid sa bote, at sinterilize. Pagkatapos ay nilalagyan ito ng kultura ng kabute at hinihintay hanggang mapuno ng puting mycelium.
Mas maikli ito kaysa sa Linya A pero mas madelikado. Dito nangyayari ang halos lahat ng pagkabigo ng mga nagsisimula.
Kapag handa na ang parehong linya — malamig na ang lutong fruiting bag at puting-puti na ang bote ng spawn — saka lamang sila pinagsasama. Ito ang tinatawag na inoculation o pagtatanim ng spawn.
Mula doon, iisa na lang ang daan: incubation, pagbukas, pamumunga, at ani.
Karaniwang pagkakamali: inuuna ang substrate at saka pa lang iisipin ang spawn. Kapag ginawa mo iyon, mauubusan ka ng oras — handa na ang bag pero wala ka pang spawn, at hindi pwedeng maghintay ang bag nang matagal.
Simulan ang Linya B nang mas maaga kaysa sa Linya A. Ang eksaktong pagitan ay nasa kalendaryo sa Apendiks A.
Ilang araw bago ang substrate dapat simulan ang spawn.
Ang buong paliwanag sa isang PDF na pwedeng i-print at dalhin sa bukid — kasama na ang buong kurso sa iisang bayad.
Isang bayad. Walang subscription.